Friday, 7 March 2014

Tapos Na Ang G2B, Eh Ano Ngayon?

03/‎07/‎2014 9:49:48 PM

Ayan na, tapos na sila!!!

Kaso... eh ano ngayon? (HOY PUCHA SLICKMASTER, MANOOD KA NAMAN NITO PAG MAY TIME!)

LECHE! Wag nyo kong pilitin manood nyan. Iniistorbo nyo lang trabaho ko eh.

Biyernes ng gabi, malamang, nagtetrend ito. Kasabay ang laban ng Ginebra at Barako Bull (sakto tong marketing strategy ng PBA at TV5 ah).

Eh, lagi naman nagtetrend yan eh. At least yan ang patunay kung gaano kapatok ang isang programa. Partida, twing segue to gap lang ila naglalabas ng hashtag, di tulad ng iba na kahit may akalagay na hashtag sa isang sulok ng TV screen, hindi pa rin ganun naghihit.

Pero, tapos na ang G2B. Eh ano ngayon? Malamang, maraming mga malalanding bata ang hindi makakaget over. Which reminds me of something: naalala ko lang ang utol ko na hindi raw manunood ng G2B kapag nagkaibahan sila ng partner, only to realized "weh? di nga?" Pagkapasok ko sa bahay ay ganun na nga ang eksena pero tutok na tutok ang bruha ampucha.

Sa totoo lang, maaring wala namang problema sa mga actor at off-screen personnel eh. Sa mga malalanding fans lang nila ang meron. Siguro, dala na rin ng impact ng media sa panahon ngayon na kung saan ay mas pinapahalagahan pa ang pag-ibig kesa sa pag-aaral.

Pero malamang, hindi makakaget over ang karamihan sa mga malalanding fans nila for sure. They'll find a way para lang magtrend sila. Minsan nga kung ikaw ay isang kritiko at sabihin natin na may bagay lang sa part nila na medyo dislike mo (na hindi naman talaga isyu pero opinyon mo yan anyway), gagagawin na nilang big deal yan. Puputatehin ka ng mga gaga at tarantada. Ganun kasimple.

Pero tapos ang G2B. Eh ano ngayon? Malamang, dahil hindi nila matanggap ang pagwakas ng teleserye nila, maraming magdedemand ng panibagong project, o di naman kaya'y 'new season, please?' Hindi na bgo ang ganito. Sa totoo lang, marami namang mga magaganda ring teleserye dati (oo, may emphasis talaga sa 'dati,' dahil sobrang gasgas at airhead na lang ang karaihan mga teleserye 'ngayon' eh), na nagkakaroon ng demand. Walang masama dun, and actually, kahit naman sa kaso ngayon e (as long as dapat ay magaganda talaga ang mga kalidad ng teleseryeng pinapanood mo)


Tapos na ang G2B? May dapat pa nga bang pagtalunan? Kung wala na... okay. "Hoy, bruha! Ilipat mo nga yan sa (insert channel here). Nanunood ako ng basketball saka wrestling, nilipat mo sa mga ganyang kalandiang programang yan! Bastos ka talagang loka ka!"

Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment