Saturday, 15 March 2014

LATE Two Minutes!

3/16/2014 2:32:27 PM

"Judging a man's character should be based on weighing his good and bad sides, AND CERTAINLY NOT on neatness and perfection."

 
Bago ang lahat... mali ba ang pamagat ko? Dapat ba ay 'Late BY or LATE FOR Two Minutes?' Actually, mas mali ka. Magbasa ka muna kasi bago ka mag-react kung bakit LATE ang nakalagay sa halip na 'LAST TWO MINUTES' (At P.S.: hindi ako coliseum barker sa PBA para sumigaw niyan).

May isang hindi magandang balita: hindi siya nakagraduate.

Siya ba? OO, siya nga.
Photo credits: RAPPLER

Aba, wag kang magtatatawa d’yan. Akala mo ba nagpapakasarcastic o nangto-troll ako?

‘De seryosong usapan muna tayo.Ano nga ba kasi ang kasalanan ng nag-iisang Aldrin Jeff Cudia, ang first class cadet ng PMA at kabilang sana sa mga nagmartsa kaninang umaga sa Baguio bilang takda ng kanilang pagtatapos sa Philippine Military Academy?

Na-late lang daw kasi sa isang klase niya ng dalawang minuto.

Aba, leche? Two minutes lang siyang na-late? Na-dismiss kagad siya sa serbisyo?

OO nga.

Anak na pating naman! Paano naman nangyari yun? Parang wala namng due process yan o ni pinagbigyan siya ng pagkakataon magpaliwanag.

Sa ganung mga perspektibo, mukha nga. Pero nagsinungaling pa daw siya, ayon sa mga nakakataas sa kanya. Hindi pinaniwalaan ang dahilan niya.

Dahil lang sa pagsisinungaling? OO. Babaw ba? Mukha lang siyang mababaw pag una mong pakinggan.

Pero ang mas masaklap, napakalalim nito, dahil ayon sa Honor Code nila ay isa sa mga malalaking paglabag sa alintuntuning ito ay ang pagsisinungaling. Kung sa ating normal na buhay ay okay lang magsinungaling (aminin na natin na kahit sa opisina, eskwelahan  bahay, at kahit sa kanto ka lang tumambay ay may maririnig kang ganito), sa mga seryosong institusyon na tulad ng PMA ay hindi.

At kahit ang argumento na ‘nagkamali lang siya sa kanyang pagre-reasoning’ ay tila sinungaling na sa koklyusyon ng mga taga-Honor Committee.

Ito nga lang nakapagtataka: sapat nga bang basehan ito para patawan siya ng dishonorable dismissal? Ewan. Malabo din kasi eh.

Sinasabi na may mga spekulasyon daw na pinagkaisahan siya. Pero mayroon din na nindi raw unanimous ang pagboto sa paghatol sa kanya ng naturang suspension, taliwas sa mga naunang report.

Pero either way kasi… tangina, ang saklap naman nun. OO, masaklap talaga. Kasi isipin mo ha? Nang dahil sa pagiging late, ay kaya pala nitong sirain ang kinabukasan mo. I mean, literally.

Sabagay, kung nagpapahalaga ka nga naman kasi ng oras ay hindi ka male-late. O kung kundisyon ang utak mo na gumawa ng mga gawain ng maaga para hindi ka malate.

Ganun sana. Kaso hindi araw-araw ay pasko eh. At iba ang kaso ni Cudia dito.

Dahil diyan, dismissed na siya, at kahit umapela pa siya sa Pangulo at magpasa ng TRO sa Supreme Court (mga bagay na ginawa niya last week), samahan mo pa ng apela sa social media mula sa kanyang mga kamang-anak, ay tila hindi napatinag nito ang desiyon ng  pamunuan ng academya.

Sa madaling sabi, hindi nga siya nakagraduate.

Maaring mababaw lang ang balitang ito pag sinubaybayan mo siya. Pero kahit magsimpatya pa tayo aky Cudia, ito ang masaklap na aral para sa lahat: ang oras ay importante. Time is gold, ika nga (wag mo nang haluan ng karugtong na mga salitang … ‘when watching porn.’ Hindi ako nagpapatawa dito, mga p’re).

At isa pa: kailanman ay isang mabigat na pagkakamali ang magsinungaling. Kahit hindi ka relihiyoso, kasalanan pa rin na maituturing ito sa mata ng kapwa mo at laban sa natural na kabaitan ng tao.

As much as naaawa ako sa sinapit ng taong ito, kaso yan din ang realidad eh: Masyadong harsh.

Siguro, mas okay na pagbigyan ang apela na muling buksan ang kaso niya, para malaman talaga kung tama ba ang hatol sa kanya o baka naman ay nagkamali ang pagdesisyon ng committee sa kanya.

Seryoso, sayang ang isang tulad niya oh. Ang taas ng potensyal sa seribsyo, sa katalinuhan at karakter (kung ang basehan mo ng paghusga ay napaka-perpekto, aba, walang karapatan na humusga ang isang tulad mo dahil in reality ay lahat tayo ay nagkakamali, lahat tayo ay pumapalya sa ugali. Nasa pagtimbang yan, at wala sa kung gaano siya kalinis).

Seriously speaking, may he get the justice he deserve, bagay siguro na ang tanging makakalaam either nasa itaas, o sa mga taong may konsensya.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment