Sunday, 24 June 2012

Ang patutsada sa isyu ng opisina’t relihiyon.

Isang pasada sa isang kamakailang mainit na balita. Kamakailan lang ay may panukala ang isang kongresista na ipagbawal ang anumang mga bagay na may kinalaman sa relihiyon sa loob ng mga opisina ng pamahalaan. Ayon kay Kabataan partylist representative Mong Palatino, ang House Bill 6330 ay naglalayon na i-ban ang ang mga gawaing may kinalaman sa relihiyon, kasama ang mga panalangin, misa, pagbababasbas at paglalagay ng mga anumang bagay na tulad ng crucifix, Bibliya, Koran at iba pa sa loob ng mga tanggapan ng gobyerno.

Ayon kasi kay Palatino, ang mga relihiyosong simbolong nakikita sa mga lugar na ito ay tila nagendorse ng isang particular na pananampalataya. Yung ibang empeyado daw e napipilitan daw na umattend ng mga misa at iba pang mga relihiyosong aktibidades ng kanilang mga superiors. Yung iba, hindi makagawa ng mga dapat na transaksyon tuwing lunch break dahil sa nasa misa ang mga kawani nito.

Naging isang mainit na balita na naman to sa iba. Kaliwa’t kanan ang mga taong naglahad ng opinion sa panukalang ito sa mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter at iba pa; at pati na rin sa mga blogs, at diyaryo sa iba’t ibang panig ng bansa.



May mga sumang-ayon. OO nga naman, ‘di ba dapat ang isang opisina ay isang lugar para magtrabaho? Bakit hahaluan to ng ibang mga bagay tula ng relihiyon? At isa pa, hindi lahat ng mga nagtatrabaho sa ating bansa ay magkakasapi rin sa pananampalataya. Talagang may tao sa ating mga pamayanan na iba ang Panginoon na sinasamba, yung iba, walang relihiyon pa nga e. Hindi nga naman magiging pantay yun, di ba?

At sa kabilang banda, meron ding tumuligsa. Sabagay, sa isang bansa na ang dominanteng relihiyon ay ang Kristiyanismo at Katoliko, hindi yata pwede yan. Lalo na kung ikaw ay yung tipong nagsa-sign of the cross bago mo buksan ang mga papeles at PC mo para simulan ang isang nakakastress na araw dahil kailangan mong magtrabaho para may mai-contribute ka sa iyong kumpanya at pamilya.

As usual, talagang kokontrahin ito ng Catholic Bishops Conference of the Philippines. Asahan mo na iyan. Ayon sa kanila, hindi freedom ang nasabing panukala. Pagkitil daw ito sa sa kalayaan ng tao para manampalataya.

At yung iba, ang OA lang. May masabi lang kasi. Isa sa mga matutunog ay yung tila sinusumbatan ang mambabatas na Palatino ng “anti-God.” Oo, OA na nga. Pag-aralan niyo kaya yang mga salita niyo bago niyo isumbat yan sa iba, ano?

Pero dahil sa tahasang pagbatikos ng nakararami e humingi siya ng paumanhin at hindi na niya ipatuloy na ipagsabatas ang Constitutional Provisions on Religious Freedom in Government Offices. Nilinaw ni Mong na hindi niya intensyon na i-ban si God. Sa malamang, ay hindi naintindihan ng karamihan ang batas na ito. Names-interpret.

Hmmm... sa tingin ko, oo. Baka nga hindi ito lubusang naintindihan ng iba. Iba kasi ang mga bagay sa ganitong aspeto e. At isa pa, mahirap makipag-argumento sa mga bagay-bagay na may relasyon sa pulitika at relihiyon.

Ito lang siguro, ano? May mga bagay kasi na dapat e nilulugar. Katulad ng opisina, simbahan at iba pa. Kung idadagdag mo ang bahay na “bakit may mga taong nagrorosaryo sa kani-kanilang mga tahanan?” e ibang usapan nay an. Ang sa akin, pwede ipatupad yan. Dapat talaga ipagbawal mo ang misa, Bible Study at iba pa dahil nga hindi naman lahat ay nakakrelate sa mga ganitong bagay.

Pero sa kabilang banda kung hindi mo trip ang nakikita mong mga ganito sa workplace mo, e respeto na lang din sa relihyon mga tol, at tanggapin mo na lang din ang katotohanan na hindi mo kasi garantiya na masusunod yan ng mga manggagagawa yan e. Kasi nga naman, may mga tao na pinaka-top priority si God, which is tama lang din naman para sa akin. Ayon na rin sa mga obserbasyon ko, may mga tao kasi na nagdadasal muna bago magtrabaho at yung iba, pagkatapos ng isang mahaba-habang araw ng pagtatrabaho. At hindi mo na matatanggal yun sa kanila, hindi dahil sa nakasanayan nila pero dahil sa magandang kapakanan nila.

At, bago ko pala tapusin ang lahat, isang bagay na lang dapat ang ipagbawal sa relihiyon. Ang pagiging IPOKRITO.


Saturday, 23 June 2012

MIAMI Heat on total redemption.

One of the most scrutinized teams in the past 2 years; the Miami Heat made all the way to the NBA finals and nailed a championship.

They were barely criticized when they landed LeBron James and Chris Bosh to the South Florida squad join their draft-mate superstar Dwyane Wade, and still failed to manage to take home the championship then after losing to their once-upon-a-finale-rival Dallas Mavericks in the 2011 NBA finals.

Everything has changed then. They faced their finals opponent on their very first NBA regular assignment on Christmas day and won over them. It’s not just a revenge spelling on their acts anymore then, it started a circus run. Going up and down of the first four spots of the Eastern conference and eventually finished at the second spot prior to the post season party.


Facing the Heat were the New York Knicks, a sudden emerged team thanks to the unlikely chance of stardom for Jeremy Lin. However, the Taiwanese-American point guard was injured prior to the preliminary series. Somehow, snapping them out of the run in 5 games. Forget James’ fellow ’03 star Carmelo Anthony for the matter, with Amare Stoudemire, Tyson Chandler, Baron Davis and everyone else. They had a fat chance to upset them. But…

Up, next were the Indiana Pacers. Also an emerging team in the playoffs, they threw the beast by the name of Orlando Magic out of their contention as they took advantage of Dwight Howard’s sick bay absence. In fact, they defeat the Miami Heat at Game 2 of the said series, snapping Miami’s home game winning streak. The series even went on the Pacers’ favour, 2-1, and with the bonus of altercation between LeBron and Danny Granger. But Miami turned everything upside down and won the series by taking the 3 straight victories to avenge that Game 3 loss.

Facing the Eastern conference finals were the aging but still kicking Boston Celtics, a team that had been winning a lot in the playoffs ever since and on the past 5 years. They compiled almost a hundred playoff games won since July 31, 2007 prior to game 7 of their duel. Miami lost to Boston once, and avenged everything the following year. It’s like a 2-on-4 duel in favour of the Green this time. Look, it’s tough to stop Rondo but James and Wade managed to carry the team and not to mention, Bosh’s return ignite the comeback of the Miami Heat whom were down 3-2  prior to Game 6; and Shane Battier’s suddenly hot shooting spelled the doom for the Celtics in a do-or-die contest.

The big dance came in, and all they were up into against Oklahoma City thunder, a team that went into surprise run more than any other team in the Western conference. The Heat were badly hurt after that game 1 collapse which Kevin Durant’s scoring surge won the game for the Thunder. FIRST BLOOD.

But Game 2 went on and Shane’s hand went on fire again, something that went unpredictable for the old wingman’s career. They held off the Thunder then.

The series shifted to the South Florida and everything went into Miami’s favour amidst Oklahoma’s series of runs. They eventually won the 3 middle games despite LeBron’s sudden cramps in Game 4. But never-the-less he carried on his team to an almost triple double statline there.

Game 5 clinched it for Miami. They’re up 3-1 against a younger team whom may had been feeling like “How LeBron experienced his first finals games” in 2007. But James took charge alongside with his buddies Dwyane Wade and Chris bosh. Plus Mike Miller’s 7/8 shooting from downtown, that may be the last for the man’s career, but it could be a memorable one when he waved to the fans on that big screen at the American Airlines Arena. A huge 3rd quarter run spelled the entire thing in favour of Wade’s crew, eventually winning it, 121-106. And the King has his ring, out of his triple double effort to close out OKC. Thus, winning his first championship, first also for coach Eric Spolestra, and Bron’s first finals MVP as well.

He has been a Cinderella man, whom had been up there, failed to seized the moment and managed to get back regardless of the sparing hatred and controversies.

Author: slickmaster
Date: 06/23/2012
Time: 10:52 AM
© 2012 september twenty-eight productions

Sa sobrang luto ng laban....

(side A ng aking opinion ukol sa Pacquiao-Bradley series)

LUTO!!!!!


Yan ang sentimiyento ng karamihan ng mga boxing fans sa buong mundo noong nanalo di umano si Timothy Bradley kay Manny Pacquiao. Na-strip-off-an si Manny ng isa sa kanyang world-record 8 boxing titles sa kontorbersyal na pagkatalo nito sa Amerikanong boxer.

At walang kinalaman ditto ang pagkanta ni Jessica Sanchez sa panig ng Estados Unidos, ha? (wag shunga, mga pare)

Luto nga daw maituturing ang laban, e pano ba naman? Dalawa sa tatlong hurado ang nagbigay ng iskor na pabor kay Bradley, na tila taliwas ito sa mga nakapanood ng laban mismo. Mas lamang pa nga daw ang mga yakap ni Bradley kay Pacquiao. At sa majority ng mga parte o round ng laban e lamang daw talaga si Pacquiao. Ayon na rin yan sa iba’t ibang mga punch stats, pati na rin ang scoring ng media sa nasabing laban.

Teka, statistika ba ang usapan? Ba, ayon sa artikulo ng isa sa aking mga idolo ng si Quinito Henson, taliwas nga sa mga puntos ng hurado ang mga numerong lumabansa performance ng laban. Wala pa nga sa kalahati ng mga nagawa ni Manny ang kay Timothy, mula sa punches landed (253-139), percentage ng accuracy ng mga ito (34-19), more connected jabs (63-51) at power shots (190-108).
(source: Roach calls for investigation, pp. A-33 of the June 11, 2012 issue of The Philippine STAR)

Sa sobrang luto ng laban e nag-alburoto ang mga tao sa social networking sites, mula sa mga ordinaryong tao na first time gumamit ng Facebook hanggang sa mga celebrity na tweet lang ng tweet ng kani-kanilang mga blow-by-blow account sa buhay nila. Ang expresyon nila, pagka-dismaya sa resulta ng laban.

Sa sobrang luto ng laban, ang unang hininging bagay ni Freddie Roach, ang coach ni Pacman? IMBESTIGASYON. Ayon kay manong Freddie, dapat daw ma-expel ang mga huradong humusga sa laban na tila bumura sa malinis na record ni Pacquiao sa nakalipas na 7 taon. Pero hind isinisisi ni Roach ang Kano dun.


Ang kontrobersyal na resultan ito ay maihahambing sa laban ni Erislandy Lara at Paul Williams noong nakaraang taon. Naging majority ang desisyon noon pabor kay Williams bagamat mas nagpakitang gilas si Lara nun.

Isa rin ang dating world champion nasi Roy Jones sa mga nakaranas ng pandaraya sa boxing noong 1988 Seoul Olympics. Natalo siya sa final match bagama tna-awardan siya bilang Best Boxer.

At di mo akalain, ang isa sa mga numero unong tagatuligsa ni Pacquaiona si Floyd Mayweather Sr., dismayado din! Ayon sa tweet ng ESPN correspondent na si Brett Okamoto, maganda ang ipinakitani Bradley pero ang panalo ay dapat daw kay Manny.

Pati si "Golden Boy" Oscar dela Hoya, hindi sang-ayon sa desisyon. Dapat daw binigay ni Bradley ang belt at iprinokalamang panalo si Pacquiao, ayon sa kanya.

Sa sobrang luto ng laban, si Mommy Dionesia, humihingi ng rematch! At iba ito sa mga nauunang litanya niya sa kada pagkatapos ng laban ng kanyang anak. Kung maalala mo, laging humihirit ang matandang Pacquiao na mag-retiro na sana siya. Ba, na iba yata ang ihip ng hangin.

Pero sa kabilang pagkaluto ng laban, si Pacquiao, dito kahahanga, ipinapasa-Diyos na niya ang lahat. Ba, yan ang dapat.

At ayon na rin sa review panel ng World Boxing Organization (WBO), dapat nga nanalo si Pacman. In fact, unanimous pa nga ang boto ng mga ito pabor sa pambansang kamao. Bagamat kahit ganun pa ang lumabas, isa lang ang maskalap na katotohanan diyan: hindi na mababawi pa ang resulta ng nasabing kontrobersyal na duelo noong Hunyo 9, 2012.

Ayon na rin sa ilang beteranong boxing analyst tulad nila Ronnie Nathanielsz, isa sa mga “worse boxing robberies of all-time” ang labanang Pacquiao-Bradley.

Well, let’s face it. Kahit sa sports, may pulitika. May dayaang naganap, nagaganap at magaganap.Mula game-fixing scandal sa basketball hanggang sa mga tulad nitong “nakaw na panalo.” Kung tatanungin mo ang inyong lingkod kung kelan mawawalaang mga ito, ah… ewan. Bagamat mas masaya pa rinsana kung malinis ang resulta ng mga laro, di ba?

Author: slickmaster
Date: 06/23/2012
Time: 08:25 AM
© 2012 september twenty-eight productions

Call me maybe?


Call me maybe?

Familiar sa tenga mo no? Aminin mo.

Isa sa mga catchy tunes sa panahon ng pop music ngayon ay ang kanta ni Carly Rae Japsen na “Call Me Maybe.” Teka, ano nga ba ito?Isang kanta ng pagkahumaling ng isang babae sa isang lalake na unang beses niya nakita at napapaisip kung paano siya gagawa ng paraan para mapalapit sa kanya? Hmm…

Sabagay, para nga naman mapalapit ang tao sa kapwa, kailangan may matapang na magpapakilala. May mag-eeffort, in short. Kung babae sa lalake yan, pakikipaglandi ay isang pwedeng makukunsidera na termino. Pero anthem bang kalandian ito? Hindi ah. Grabe naman. Masyado naman yata tayong mapanghusga. Kala mo mga music major.

May konek? Oo, siyempre naman. Kaya nga nagiging hurado ang mga batikang mang-aawit sa isang singing contest di ba? Hindi naman sila instant celebrity na walang pormal na training.

Pero mabalik tayo sa usapan, napakapatok ng kantang ito.
Sa sobrang patok niya, ultimo mga celebrity sa Hollywood, napapagawa ng mga kanya-kanyang bersyon. Sabagay, uso naman ngayon ang gumawa ng mga cover e, tulad nila Tyler Ward, Megan Nicole, at iba pa. Pero ang siste kasi, may pagka-dancing version ang mga ito e. may pagkalip sync al a Moymoy Palaboy (remeber them?) yun nga lang, may iba-ibang camera cut.

At dito sa Pinas, wag ka. May gumawa din niyan. Ang mag-babarkada na mga celebrity at modelo at ultimo si Manny Pacquiao ay kasama nila dito. Nis-pa, nayswan!

Ngayon, bakit ito ang napilikong kanta na gawing paksa? Ah, ewan. Alam ko na mas patok pa ang kantang paborito kong banda na Maroon 5 kesa dito. Ultimo ang Boyfriend ni Justin Bieber na isa sa mga hits na sa ating lipunan ay di ko napling isulat. At hindi ko masyado linya ang gumawa ng anumang paksa ukol sa popular na musika (alam naman ng ilan na ang paborito ko ay hip-hop at rock).

Siguro ito lang, na gustuhan ko yung beat. Astig na chorus na lyrics na talagang gets na gets mo ang motibo ng kanta. Ayun, haha. At nasaktuhan pa to sa panahon na na uso ang isang reality show na tahaasang binabatikos ng iilan dahil daw sa naglalarawan itong kalandian sa mga kabataang Pinoy. Ba, GANUN?! 

Coincidence lang siguro yan, tsong. And come to think na pag napanood mo yung ending part ng original na music video nito… Baka mapamura ka bigla. Akala mo yun na. sabay…. Ops, hanggang ditto na lang. (Panoorin nyo kasi.)

Author: slickmaster
Date: 06/23/2012
Time: 10:11 AM
© 2012 september twenty-eight productions

Lebron nails it. Now what?

This is it. LeBron James finally got his own ring! After that triple double and an insane 3rd quarter run, the MIAMI HEAT were crowned the 2012 National Basketball Association champions. Thanks to that tune of 121-106 score after those 48 minutes in Game #5 of the NBA finals.

Well, let me guess what are those critics and haters of the 3-time MVP will tell. He won MVP and finals MVP.
So, why the hell would you tell us that it’s only Bosh, Wade and the others’ championship? Bitter much? Hey, ‘Bron didn’t get it all by himself, almost unlike the situation he once had when he was with the Cleveland Cavaliers. Basketball is a team game, and is still a team game and you should know that ever since even if you got a ball-hog like player out there.

He only got that because of Wade? You’re stupid enough to think, right? I already told that in the previous paragraph. Sure, Dwyane Wade is mightier than the king, but the fact that he stepped aside to let the King take the role? Man, you have to love the Flash for that. They’re really more than teammates but they do are friends.

He’s just got lucky? Nah, luck factor was never an evident when it comes to winning games, dude. It’s just a bonus. When you want to win a game, take praises and criticisms but do your hard work first before taking other’s words in instance.

That’s the only thing he’ll have in terms of ring. I swear he won’t get any next time. Nah, that may be true but as long as he never retires, he will continue to reign, just like Kobe, His Airness, or even Wilt. In fact, LeBron’s luckier than Karl Malone. The ex-Utah Jazz and Los Angeles Laker power forward had made it to the big dance thrice, but came up short every time. That’s a heart-breaking moment right there. Who in the world will never be frustrated when you failed to win in the playoffs, even a step of the ladder? I mean, advancing to the coming rounds.

Nah, one thing is for sure. Critics will have something to say, and haters will continue to hate. All we have to do is to move on.

Let the young man seize the moment. He needs that badly. For you he may not be the greatest player, but for a lot of people, he is. That’s why he’s in the NBA right now. And you, hating him? Will just be either sticking out there at the stands, or in front of either your TV or computer. Nah, let’s move on folks.

Author: slickmaster
Date: 06/23/2012
Time: 9:30 AM
© 2012 september twenty-eight productions

Ang Litanya ng Isang Desperadong Mangingibig

06/23/2012 09:03 AM

Ayokong itoma ang lahat, hindi rin naman makakatulong kahit mawasak pa ko sa kalasingan. Hindi naman na mababago nito ang takbo ng aking kasaysayan. Isa na nga kong desperadong romatiko sa panahon na ito.

Hindi ko alam kung bakit ganito katindi ang aking nadarama. Siguro dahil matagal na ring tulog ang kamalayan ko ukol sa pag-ibig. At nang dahil sa iyo, nagising ito. Pero linawin ko lang, wala kang kasalanan dun. Ang tagal ko hinihintay ang ganito.

Pero, sa isang iglap na hindi ko inaasahan,  tila nawala na. Wala na naman. Malulungkot na naman ako sa isang sulok. Iiyak. Magmumukmok  sa kada gabing hindi makatulog. Nag-iiba ang estado ng emosyon at pag-iisip. Mababaliw. Masisiraan ng ulo. Mawawalan ng gana. Hindi matiis ang sakit na nadarama. Ilang beses na ko nasaktan, hindi dahil sa iniwan ako, pero dahil sa katotohanan na hindi na naman ako nagtagumpay makalipas ang mahabang panahon.

Na naman? Oo, na naman! (sabay sabunot sa sariling buhok)

Sa isang iglap, naudlot ang lahat. Wasak na wasak na naman ako, hindi sa kasiyahan, kundi sa pagiging miserable na naman. Mahirap tanggapin talaga. Ang tagal kong hinintay ‘to. Sabay, ganito na naman? PUCHA!

Anyare sa isang iglap? Ayun… ang minimithing hiling kasama ng aking panalangin ay naging isang abo na nasunog at hinangin patungo sa kawalan, na kahit habulin ko pa at pilit ipuning muli, wala na rin. Kahit maglupasay pa ko sa luha’t poot, wala na rin. At kahit magmakaawa na may dugong tumulo sa aking mga mata’t tuhod na sugatan sa paglalakad na nakaluhod, wala na rin.

Bagamat parang ganun, wala na akong pakialam kahit magmukha akong tanga. Kung pwede lang sana, 
hahamakin ang lahat, mahangad lang kita sa huling pagkakataon at huling sandali.

Isang bagay lang sana ang aking pakiusap. Sana mabigyan mo pa ako ng pagkakataon na mapatunayan ang lahat, kahit sandali lang, at kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon na lang.

Hinahangad ang pag-unawa, minsa’y masabi mo pa na mahal mo pa rin ako. Kahit sa pekeng nararamdaman na lang ang mga ito.

Sana mayakap at mahagkan kita na akala mo’y wala nang bukas, at maramdaman mo ang tinitibok ng puso ko, kahit sa totoo lang wala na talaga sa iyo ang lahat.

Sana makapiling muli kita, kahit segundo na lang ang ating itatagal.

Dami kong hiling no? Pero totoo, mahal pa rin kita. Hindi ko lang alam ang gagawin ko para i-let go kita kaya siguro ito na lang ang naisip ko.

Umaasa ako na sana matugunan mo ang panalangin ko. Pero kung wala na, sige na. Please?
Pero kung wala na talaga, siya, sige na nga po. Ito na siguro ang lahat sa ating dalawa. Ayaw ko lang sana bumitaw sa mga bagay na para sa akin e kakayanin ko pa. Ayaw ko sana sumuko na hindi ko pa naibibigay ang lahat sa aking pakikipaglaban para sa iyo. Ayaw ko pa sana. (umiiyak) ayaw ko.

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Tuesday, 12 June 2012

Thunder on a surprise run?

Well, not totally.
The HEAT is on once again for the Miami and Thunder will strike again for the Oklahoma City squad as the stage is set for the National Basketball Association finals game 1 today Manila time.

The Western Conference has been the home of the powerhouse ball clubs lately, and one of them is the Oklahoma City Thunder whom had been a major force to reckon since they almost surprise the Dallas Mavericks on their battle fro supremacy, which they had lost, by the way.

The Thunder had won 47 games in a shortened 66-game season, enough for the second spot in the Western Conference, plus a major addition to its roster – a big shot maker in a bulky point guard named Derek Fisher.


Opening their playoff run, they avenged their defeat over the Dallas Mavericks in a rematch of last year’s western conference finals, and dethroned them by a sweep. Moving on, they battled an always-a-playoff-contender team in Los Angeles Lakers and won the series in 5 games, including a surprise rally to finish Game 2 with a 2-0 lead on their hands.

After winning 8 playoff assignments in 9 attempts within those 2 rounds, the Oklahoma City Thunder faced a rejuvenated San Antonio Spurs on the Western Conference Finals, a team that has been on fire since its last 10 games of the regular season. The first two games went in favour of the Alamo squad, and that includes a bunch of scrimmage-looking-plays on the Game 2 of its series.

When the series shifted to Oklahoma, that’s the time when the Thunder took over. With 19 points and 6 steals at helm, Thabo Sefalosha took charged for the home team and led a huge bunch of defensive efforts to snap the Spurs’ 20-game winning streak and ironically won the game by a massive 20-point margin. That negated San Antonio’s Tim Duncan’s move of surpassing Kareem Abdul-Jabbar’s record for the shots blocked at the history of the league’s post-season party.

Despite winning the third contest, the Thunder still trails at the series. However, they have gained momentum where they carried it on to win game 4 in a super humane fashion courtesy of Kevin Durant’s scoring surge. Durantula scored 36 points – with half of them came at the last 7 minutes of the game. And a defensive stalwart Serge Ibaka went perfectly hot from the field to punch 26 markers under his belt. Just enough to save the Thunder after seeing their 15-point lead melted down to 4 at one point in the fourth quarter, and to tie the series at 2-apiece.

Game 5 was set at San Antonio again, and the home team were on the verge of taking a 3-2 lead. Thanks to their star guard Manu Ginobili whose hot shooting from the outside kept them in the game. But James Harden’s long distance shot sealed the deal for the surging visitors to take a step closer to the NBA finals. And the Spurs were dealt with their first home loss since April 11.

Game 6 at the Thunder’s house, but the visiting Spurs took a huge 1st quarter lead, sending a scare on the home crowd for a possible Game 7. But the Thunder surprised them at the second half to turn up the tide in their favour. Kevin Durant took over like a MVP and collected a game high 34 points and 11 rebounds to solidify their stand at the big dance. He played the entire game, and the Western Conference Championship was the biggest prized that he got.

06/13/2012 02:47 a.m., slick master (c) 2012 september twenty-eight productions

Sunday, 10 June 2012

What’s with the waiver?


What’s with the waiver?

Ah, Ewan.

Nagsimula sa impeachment trial ng dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona yan. Nung tumestigo ang isinasakdal mismo sa nasabing paglilitis. Akala mo, kung ano na namang che-che-bureche niya yan ano? Waiver-waiver pang nalalaman ampucha!

Pero bakit nga ba naging big deal na ang isyu ng waiver na yan? Well, simple lang. Para mapatunayan ang isang tao sa gobyerno na wala daw itong tinatago. Kung tatanungin kasi na hindi pa ba sapat ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth para dyan, e… ewan. Yung iba siguro kasi e magaling magtago kung totoo na corrupt man siya/sila. At sa panahon ngayon, tanghali na lang ang tapat. Ang mga pulitiko na yan? HMMM…. Mahirap husgahan e bagamat madaling magsalita na “Pucha! asa pa kong matino ang mga taong yan. Magnanakaw din naman yan pag naupo sa lugar ng mga kinauukulan.”

Hmmm…. Okay naman din pala e.
Sabagay, kelangan yan sa panahon ngayon para sa mga taong may adbokasiya na labanan ang katiwalian sa lipunan. Ang mga taong nagkukubra ng kaban ng yaman para sa pansarili nitong kayamanan. Yun nga lang, mahaba-haba-haba-habang krusada yan, tsong. Dahil pag may kumanta, tiyak tinutumba. At ang iba, no choice kundi sumunod na lang sa nakagawin kahit sa totoo lang e kasalanan na yang pinagagagawa nila. Ahay, kawawang lipunan.

Tingin ko maganda nga na pumirma sila ng waiver, nang may mapatunayan kung talagang malinis ang konsensiya nila (Pero bakit si Corona e ganyan din ang sinabi niya, malinis daw ang konsensiya niya, pero bakit na-impeach pa rin? E ibang isyu na yan tsong.).at ang sinumang tatanggi (o actually tumanggi din, katulad ng mga nasabi sa ulat e sila Senate President Juan Ponce Enrile at ultimo ang Pangulo daw ng bansa e kasama? Ba, gaano katotoo ito?) Well, kesa choice man nila yun na hindi pumirma, pero choice din ng publiko na paghinalaan sila. Wag na lang sana irason na “ang arte naman yan, pa waiver-waiver pang nalalaman.” E kung arte lang din naman ang usapan e ba’t pa kayo gumagawa ng batas? E nag-iinarts lang din kami sa mga ganyan. At isa pa, paano nga naman kami magiging kampante sa iyo? Alalahanin mo, kami ang bumoto sa iyo para manalo at maupo ka dyan sa pwesto mo. Kaya may karapatan kami na salain ka. Public servant ka lang, at kami ang boss mo!

Pero mas ok siguro kung mas magiging mapagmatyag tayong mga mamamayan sa mga pultikong binoto natin. Kasi ika nga, “kung balasubas yang taong niluklok mo dyan e sorry ka na lang.” At least, alam mo na kung sino ang pagkakatiwalaan mo sa susunod na eleksyon sa susunod na taon. At ang mga kamalian sa pagpili natin nung 2010, e (sana naman) matutunan natin, di ba?

Hmmm… tama na nga yang waiver nay an. Pirmahan na kung pirmahan!

Author: slick master
Date: 06/11/2012 Time: 07:56 AM
(c)  2012 september twenty-eight productions

Why so upset on Manny’s loss, man?

Luto nga ang laban, kaso wala e. As in wala tayong magagawa dyan.

Alam kong sobrang badtrip ka nung natalo si Manny Pacquiao kay Timothy Bradley noong nakaraang Linggo. Hindi masama ang madismaya, lalo na kung masugid ka na tagahanga ng isang atleta sa sports. Kaw ba naman ang makapansin na mas marami pa ata ang yakap ng Kanong boxer kesa sa mga suntok mismo niya e.

Sa sobrang “luto” nga ng laban, ang daming naglabas ng matinding sama ng saloobin nito sa mga social networking sites, at isama mo na dyan ang tweet ng batikang sportscaster na si Ronnie Nathanielsz na tila nagpoprotesta ito. Ayon sa kanya, kahit ang mga estudyante sa k-12 e alam na panalo si Pacquiao sa laban na iyan. Kaya nung lumabas ang resulta e parang ninakawan daw ang dating nito sa pambansang kamao.
Sabagay, hindi naman natin masisisi ang pananaw ni Manong Ronnie dyan. Pananaw niya yan e.

Ika nga ng isang TV commentator na si Teddy Atlas, boxing is a corrupt sport. Actually, sa kahit anong sport naman ay nag-eexist ang corruption e, by all means of dirty politics man yan, game fixing scandals, off-sport issues, etc. Hindi na bago ang mga ito. Kung aalamin mo ang mga ganitong bagay sa larangan ng pampalakasan, pustahan, marami kang matutuklasan.

Pero alam mo, dito ka rin hahanga kay Manny kahit sa mata ng karamihan sa atin e nalamangan siya. Ipinakita niya ang pagiging sportsmanship. Tila maluwag itong tinanggap ni Pacquiao. Nakakapanibago ba? Sabagay, nagbabagong buhay siya e.

Kaya siguro nauso ang hashtag nun na #MannyPacquiaoIsStillTheWorldsBest. Sabagay, marami naming napatunayan si Manny. Isa na siyang alamat sa larang ng pagboboxing. Aabutin pa ng siyam-siyam bago maalpasan ng sinuman ang record na ginawa niya. Dun pa lang, marami na siyang napatunayan. At ang mga talong tulad nito? Nah, maliit na bagay na lang yan. Pero sabagay, pride din kasi ng bansa ang isa sa mga nakataya din e. At, come on, either way naman kikita pa rin si Pacman e.


Losing is part of being a winner. Sa madaling salita, natural lang na natatalo ang magagaling na tao. After all, tao pa rin naman sila kahit sobrang taas na ng tingin at paggalang natin sa kanila. Halos wala yang pinagkaiba sa feeling ng natalo ang idol mong si Kevin Garnett sa mga tropa ni LeBron James, o di naman kaya ay…. (ito, para Pinoy naman ang dating) pag natalo ang paborito mong Brgy. Ginebra sa isang panibagong crowd favourite na B-Meg Llamados. Yan ay unless kung either iba ang kinakampihan mong koponan o di mo lang trip ang manood ng PBA.

O kung bibira ka pa na bakit ang mga tulad ni Bradley na ang linis ng record e tila wala naming beses na natatalo sila ah. Tol, hindi naman kasi lahat ng pagkatalo e magrereflect sa record mo. May mga pagkakataon na panalo ka nga sa ganito, e talo ka naman sa ibang aspeto ng buhay mo. Mas matindi yun. Talagang may pagdadaanan ka.

Kaya bakit nga ba tayo bibira sa Twitter na nahimatay daw si Mommy Dionesia dahil wala na itong Hermes na maiuuwi? Laughtrip ang dating, pero…easy, baka magalit ang ale, ha? Sabagay, lagi naman siyang laman ng ilang napapanahong jokes minsan e. Pero, tol, respeto pa rin.

And speaking of jokes, ba, tama din kayo. Idaan na lang sa laughtrip ang pagkabadtrip. Tulad ng mga ito.
photo courtesy of:  https://www.facebook.com/pages/Pinoy-Laugh-Page/147338178666849   
photo courtesy of the watermark text displayed at the lower left portion of this photo
photo courtesy of 9GAG
Pero, tama na ang pagsakay sa bandwagon. Mag-move on na tayo. Tumunog na ang bell, inanunsyo na ni Michael Bufford ang resulta. Naka-wheelchair na si Bradley sa press con. Hindi ka pa kuntento? Mamamatay din yang isyu na yan. Kaya bakit ka pa maglulupasay at magrarant diyan sa Facebook at Twitetr mo?

Move on na kasi, parang hindi ka naman sanay sa mga heart-breaking moments oh!
author: slick master | date and time: 06/11/2012, 07:23 AM

Saturday, 9 June 2012

The thin line.


Mahirap sabihin kung kelan nagiging hindi tama ang pagmamahal. Kung kelan tayo sumosobra. Tumataliwas kasi yan sa kasabihan ng mga tipikal na tao na “walang mali sa pagmamahal.” Actually, kahit sa maniwala tayo o sa hindi, meron pa rin. Kung papansinin mo ang mga pangyayari sa mga nakapaligid sa iyo. Kailan pa naging tama ang pag-awayan ang mga bagay na napakababaw lang kung tutuusin. Kalian pa naging ok sa ating kamalayan ang pumatay ng tao nang dahil sa selos?

At pa’no, hindi naman kasi tayo makikinig sa payo ng iba pag nasa ganyang estado tayo e. Aminin niyo. Kahit tumawag ka pa kay Papa Jack, e sigurado ka bang magiging ok ka ba kinabukasan, o di naman kaya sa mga susunod na araw? Hindi garantiya, di ba?

Minsan ako nakipag-usap sa isang tropa ko na graduate sa sikolohiya. Tinanong ko siya sa mga bagay-bagay na tila anong pagkakaiba ng love sa obsession. Pero mahirap kasing tantiyahin e. Ayon sa kanya, unconsciously mo kasing mararamdaman yan. Yan yung tipong sa tindi ng pagmamahal mo e parang gusto mo na makontrol ang tao base sa gusto mo, at kahit taliwas ito sa mga gusto niya. Kaya hindi na rin ako magtataka kung minsan ang magsyota sa paligid e kung magtawagan akala mo mag-asawa na, kahit sa totoo lang naaalibadbaran ako sa mga ganung kataga. Wala sa akmang timing e. Pero sorry na lang ako, walang basagan ng trip kasi, slick!

Sabagay, minsan ako nakinig sa DJ ng isang istasyon ng radio, at pagnagmamahal ka daw e tila nawawala ang iyong sariling identity. May punto din siya. Nagshe-share ka pag ganun e. O minsan pa nga, ikaw mismo ang mag-gigive way para sa kagustuhan ng partner mo.

Kaya siguro nauso ang pangingialam ng wallet, cellphone, e-mail, Facebook account at iba pang mga bagay-bagay na pagmamay-ari ng mga kasintahan nila, no?


Possible. Pero hindi kaya masyado nang maselan ang ganito? Ang dating kasi e, para ka nang kasing nakikialam ng underwear niya at gusto mo, yung brief na bigay mo ang susuotin lang niya. Pag regalo ng ibang kaibigan na babae nya na ganun ang nakasaplot sa kanyang private part, tila magagaglit ka na.
Siguro ito lang ang sa akin. Ayos lang na alamin mo ang password ng mga account niya o nilalaman niyan. Pero hindi naman pwedeng papakialaman mo yan ng hindi ka nagpapaalam sa kanya. Parang hindi ka ganun katiwala sa kanya bilang katuwang. Alalahanin mo, (at tama rin si Papa Jack nung sinabi niya ito) hindi porket asawa (o kahit girlfiend) mo ang taong yan e pagmamay-ari mo na yan. May sariling pagkakakilanlan yan, nararamdaman, iniisip, choice ng damit at gadget, at karamihan pa diyan e tataliwas pa rin sa kagustuhan mo.

Dapat nga intindihin mo ang pagkakaiba niyo ng partner mo, di ba? Bakit hindi magawa ng iba yan? Dahil ba sumasarado ang pag-unawa nila. Siguro, (speaking with experience) pero wag naman sana natin kalimutan na gumamit din tayo ng utak paminsan-minsan sa pag-ibig. Alam ko na magkabaligtaran ang kagustuhan ng puso mo sa mas nais ng isip mo. Pero timbangin mo pa rin.

Kung naoobsessed na ang partner mo, nadadaan yan sa usapan. Kung inaaway ka niya, wag kang magpadala kagad sa emosyon mo para lang awayin siya pabalik. Tulungan mong ipaunawa sa kanya ang lahat. Pare-pareho kayong nasasaktan, nahihirapan, at hindi kailanman magiging solusyon dyan ang magpasaringan kayo ng bugso ng damdamin. Bagamat last resort ang hiwalayan mo siya kung talagang nagawa mo na ang lahat.

Ayon sa kausap ko na iyun, tila walang direktang lunas sa taong obsessed kasi siya mismo ang makakautklas nyan at hindi basta-basta gumagaling ang mga ganyan. Pero may mga sirkumstansya na hindi tolerable, katulad ng gusto niya ikaw lang ang kausap, panay naghihinala, ayaw mo na kasama niya ang ibang tao.

Hmmm… habang binabasa ko ulit ang parteng iyun ng konbersasyon namin, natauhan ako. Tama siya, hindi ko namamalayan na nagiging obsessed na pala ako. Kung gusto ko maging matinong partner balang araw sa sinumang mamahalin ko, dapat nga. Tama siya. DAPAT MATUTO RIN AKO SA MGA ITO. Sigh!

author: slick master
date: 06/10/2012 time: 12:38 PM
© 2012 september twenty-eight productions

Que may lovelife o wala….


Alam ko na likas sa atin ang mahilig makialam sa buhay ng ibang tao. Yun nga lang, nilulugar ang mga yan, lalo na sa isa sa mga pinkapaboritong estado ng ating buhay – ang lovelife.

Ha?

Oo, lovelife nga. (Kulit!)


Aminin natin yan. Kapag pag-ibig ang usapan ng magbabarkada o sa mga magkakapitbahay, halos lahat, gising. Buhay ang dugo. An paboritong babasahin ng ilan sa mga ale? Pocketbook. Kung hindi yun (at techie ang pagkatao nila),mga blog na nilalaman ay ang mga kwentong romansa. (Saan pa ba? Maliban sa mga katulad ng Wattpad?) Pag may matinding inuman sila pare, ano ang isa sa mga paksa nila? Mga babae, ke minamahal yan o trip lang nilang pormahan o binasted sila o kakabreak-up lang.

Karamihan sa mga intriga’t balita sa showbiz, kung hindi alitan sa mga kapwa artista ang laman, relasyon ng pagmamahalan ang binabalita. Kung may pulitkong single, pinputakte rin ng ganyang klaseng kwento. Worse? Nagiging pambansang isyu pa ata ang pakikipagdate ng isang public official sa isang artista. Mantakin mo oh. Ang daming problema ng Pinas, lovelife pa ang napili niyong pag-usapan.

Sa buhay estudyante pag recess, ang usapan, ganyan din mula sa mga crush ng mga gurlaloo hanggang sa kartada ng mga totoy sa isang naispatan na tsikas. At kung taken naman, ang blow-by-blow account ng mga pangyayari. Pagkatpos tanungin ng “Kumusta ang lovelife natin, mag pare/mare?” mahaba-habang kwento na yan, hanggang sa mababanggit na lang nila ang mga katulad ng… “Wow, pare! Sinagot na ko ni Mae!” o di naman kaya’y “HMP! Nahuli kong mababae si Rowel dun sa Padi’s kagabi!” hanggang sa “Tangina, ang lupit niya sa kama, dude. Ilang rounds kami oh kaya nga naubos ang lakas at pera ko sa Sogo e.”hanggang doon sa “Mga ‘te! I can’t take it anymore! Nakipagbreak na ko kay Justin! (with matching emote yan, syempre.)” ang iba pang mga linya? “Nice. Nakuha ko rin ang number ni Micah.” “Hoy. Ang sweet nyong dalawa ni Kenneth ah. Kayo na?” at kung anu-ano pa at siyempre, hindi mawawala dyan ang lagging pahabol na reaksyon ng mga tao. “Yihee!” O di naman kaya’y “Ayiee….”

Wooh. Mawawala ba yan? Siyempre, hindi. Kasi aminin natin. Parte na nag ating kultura ang makialam sa mga bagay. Pero ang pakikialam na tunutukoy ko ay ang pagmamalasakit sa kapwa, bagamat may iba ang purpose para mangialam. Likas din kasi sa atin ang pagiging mapagmahal. Yung maging romantiko. At isa pa., ang mga ganitong paksa ay isa sa mga nagpapabigay-kulay sa ating buhay. Hindi nga lang maipaliwanag ng basta-basta. Peer pressure? Asus. Lokohin mo nga ko! Choice ng tao ang magpadala sa tukso ng nakararami ano?

Pero ito lang ang punto ko dyan, mga tol. Ayos lang makialam ng lovelife ng iba kung siya mismo ang mag-oopen niyan sa conversation niyo. E pano kung sabihin niya ang mga kataga tulad ng “zero,” “ay, hindi uso sa akin yan,” o di naman kaya’y “pucha! Ang dami-daming pwedeng pag-usapan natin, lovelife pa!” Yan ang hirap sa pagiging curious natin sa mga bagay-bagay. Siyempre, gusto natin malaman kung bakit, di ba? 

Pero kung ayaw niyang sabihin o ikwento ang estado nun sa buhay niya, e irespeto natin yun. Hindi naman kasi lahat ng tao e ma-vocal sa ganyan. Yung iba dyan tatahi-tahimik pero wag ka. Mas ok ang buhay niya ke single man siya o taken. Tanggapin natin ang katotohanan na hindi porket lumalovelife ang topic, e lahat ay makakarelate. Dahil hindi naman lahat tayo ay magkakatulad, ke magkaibigan pa, kamag0anak o di naman kaya’y yung mga kakilala lang sa kanto.

Kaya que may lovelife ka o wala… matuto ka kung kelan dapat makialam.

Author: slick master
Date: 06/10/2012
Time: 11:52 AM
© 2012 september twenty-eight productions