Alam ko na likas sa atin ang mahilig makialam sa buhay ng ibang tao. Yun nga lang, nilulugar ang mga yan, lalo na sa isa sa mga pinkapaboritong estado ng ating buhay – ang lovelife.
Ha?
Oo, lovelife nga. (Kulit!)
Aminin natin yan. Kapag pag-ibig ang usapan ng magbabarkada o sa mga magkakapitbahay, halos lahat, gising. Buhay ang dugo. An paboritong babasahin ng ilan sa mga ale? Pocketbook. Kung hindi yun (at techie ang pagkatao nila),mga blog na nilalaman ay ang mga kwentong romansa. (Saan pa ba? Maliban sa mga katulad ng Wattpad?) Pag may matinding inuman sila pare, ano ang isa sa mga paksa nila? Mga babae, ke minamahal yan o trip lang nilang pormahan o binasted sila o kakabreak-up lang.
Karamihan sa mga intriga’t balita sa showbiz, kung hindi alitan sa mga kapwa artista ang laman, relasyon ng pagmamahalan ang binabalita. Kung may pulitkong single, pinputakte rin ng ganyang klaseng kwento. Worse? Nagiging pambansang isyu pa ata ang pakikipagdate ng isang public official sa isang artista. Mantakin mo oh. Ang daming problema ng Pinas, lovelife pa ang napili niyong pag-usapan.
Sa buhay estudyante pag recess, ang usapan, ganyan din mula sa mga crush ng mga gurlaloo hanggang sa kartada ng mga totoy sa isang naispatan na tsikas. At kung taken naman, ang blow-by-blow account ng mga pangyayari. Pagkatpos tanungin ng “Kumusta ang lovelife natin, mag pare/mare?” mahaba-habang kwento na yan, hanggang sa mababanggit na lang nila ang mga katulad ng… “Wow, pare! Sinagot na ko ni Mae!” o di naman kaya’y “HMP! Nahuli kong mababae si Rowel dun sa Padi’s kagabi!” hanggang sa “Tangina, ang lupit niya sa kama, dude. Ilang rounds kami oh kaya nga naubos ang lakas at pera ko sa Sogo e.”hanggang doon sa “Mga ‘te! I can’t take it anymore! Nakipagbreak na ko kay Justin! (with matching emote yan, syempre.)” ang iba pang mga linya? “Nice. Nakuha ko rin ang number ni Micah.” “Hoy. Ang sweet nyong dalawa ni Kenneth ah. Kayo na?” at kung anu-ano pa at siyempre, hindi mawawala dyan ang lagging pahabol na reaksyon ng mga tao. “Yihee!” O di naman kaya’y “Ayiee….”
Wooh. Mawawala ba yan? Siyempre, hindi. Kasi aminin natin. Parte na nag ating kultura ang makialam sa mga bagay. Pero ang pakikialam na tunutukoy ko ay ang pagmamalasakit sa kapwa, bagamat may iba ang purpose para mangialam. Likas din kasi sa atin ang pagiging mapagmahal. Yung maging romantiko. At isa pa., ang mga ganitong paksa ay isa sa mga nagpapabigay-kulay sa ating buhay. Hindi nga lang maipaliwanag ng basta-basta. Peer pressure? Asus. Lokohin mo nga ko! Choice ng tao ang magpadala sa tukso ng nakararami ano?
Pero ito lang ang punto ko dyan, mga tol. Ayos lang makialam ng lovelife ng iba kung siya mismo ang mag-oopen niyan sa conversation niyo. E pano kung sabihin niya ang mga kataga tulad ng “zero,” “ay, hindi uso sa akin yan,” o di naman kaya’y “pucha! Ang dami-daming pwedeng pag-usapan natin, lovelife pa!” Yan ang hirap sa pagiging curious natin sa mga bagay-bagay. Siyempre, gusto natin malaman kung bakit, di ba?
Pero kung ayaw niyang sabihin o ikwento ang estado nun sa buhay niya, e irespeto natin yun. Hindi naman kasi lahat ng tao e ma-vocal sa ganyan. Yung iba dyan tatahi-tahimik pero wag ka. Mas ok ang buhay niya ke single man siya o taken. Tanggapin natin ang katotohanan na hindi porket lumalovelife ang topic, e lahat ay makakarelate. Dahil hindi naman lahat tayo ay magkakatulad, ke magkaibigan pa, kamag0anak o di naman kaya’y yung mga kakilala lang sa kanto.
Kaya que may lovelife ka o wala… matuto ka kung kelan dapat makialam.
Author: slick master
Date: 06/10/2012
Time: 11:52 AM
© 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment