Saturday, 9 June 2012

The thin line.


Mahirap sabihin kung kelan nagiging hindi tama ang pagmamahal. Kung kelan tayo sumosobra. Tumataliwas kasi yan sa kasabihan ng mga tipikal na tao na “walang mali sa pagmamahal.” Actually, kahit sa maniwala tayo o sa hindi, meron pa rin. Kung papansinin mo ang mga pangyayari sa mga nakapaligid sa iyo. Kailan pa naging tama ang pag-awayan ang mga bagay na napakababaw lang kung tutuusin. Kalian pa naging ok sa ating kamalayan ang pumatay ng tao nang dahil sa selos?

At pa’no, hindi naman kasi tayo makikinig sa payo ng iba pag nasa ganyang estado tayo e. Aminin niyo. Kahit tumawag ka pa kay Papa Jack, e sigurado ka bang magiging ok ka ba kinabukasan, o di naman kaya sa mga susunod na araw? Hindi garantiya, di ba?

Minsan ako nakipag-usap sa isang tropa ko na graduate sa sikolohiya. Tinanong ko siya sa mga bagay-bagay na tila anong pagkakaiba ng love sa obsession. Pero mahirap kasing tantiyahin e. Ayon sa kanya, unconsciously mo kasing mararamdaman yan. Yan yung tipong sa tindi ng pagmamahal mo e parang gusto mo na makontrol ang tao base sa gusto mo, at kahit taliwas ito sa mga gusto niya. Kaya hindi na rin ako magtataka kung minsan ang magsyota sa paligid e kung magtawagan akala mo mag-asawa na, kahit sa totoo lang naaalibadbaran ako sa mga ganung kataga. Wala sa akmang timing e. Pero sorry na lang ako, walang basagan ng trip kasi, slick!

Sabagay, minsan ako nakinig sa DJ ng isang istasyon ng radio, at pagnagmamahal ka daw e tila nawawala ang iyong sariling identity. May punto din siya. Nagshe-share ka pag ganun e. O minsan pa nga, ikaw mismo ang mag-gigive way para sa kagustuhan ng partner mo.

Kaya siguro nauso ang pangingialam ng wallet, cellphone, e-mail, Facebook account at iba pang mga bagay-bagay na pagmamay-ari ng mga kasintahan nila, no?


Possible. Pero hindi kaya masyado nang maselan ang ganito? Ang dating kasi e, para ka nang kasing nakikialam ng underwear niya at gusto mo, yung brief na bigay mo ang susuotin lang niya. Pag regalo ng ibang kaibigan na babae nya na ganun ang nakasaplot sa kanyang private part, tila magagaglit ka na.
Siguro ito lang ang sa akin. Ayos lang na alamin mo ang password ng mga account niya o nilalaman niyan. Pero hindi naman pwedeng papakialaman mo yan ng hindi ka nagpapaalam sa kanya. Parang hindi ka ganun katiwala sa kanya bilang katuwang. Alalahanin mo, (at tama rin si Papa Jack nung sinabi niya ito) hindi porket asawa (o kahit girlfiend) mo ang taong yan e pagmamay-ari mo na yan. May sariling pagkakakilanlan yan, nararamdaman, iniisip, choice ng damit at gadget, at karamihan pa diyan e tataliwas pa rin sa kagustuhan mo.

Dapat nga intindihin mo ang pagkakaiba niyo ng partner mo, di ba? Bakit hindi magawa ng iba yan? Dahil ba sumasarado ang pag-unawa nila. Siguro, (speaking with experience) pero wag naman sana natin kalimutan na gumamit din tayo ng utak paminsan-minsan sa pag-ibig. Alam ko na magkabaligtaran ang kagustuhan ng puso mo sa mas nais ng isip mo. Pero timbangin mo pa rin.

Kung naoobsessed na ang partner mo, nadadaan yan sa usapan. Kung inaaway ka niya, wag kang magpadala kagad sa emosyon mo para lang awayin siya pabalik. Tulungan mong ipaunawa sa kanya ang lahat. Pare-pareho kayong nasasaktan, nahihirapan, at hindi kailanman magiging solusyon dyan ang magpasaringan kayo ng bugso ng damdamin. Bagamat last resort ang hiwalayan mo siya kung talagang nagawa mo na ang lahat.

Ayon sa kausap ko na iyun, tila walang direktang lunas sa taong obsessed kasi siya mismo ang makakautklas nyan at hindi basta-basta gumagaling ang mga ganyan. Pero may mga sirkumstansya na hindi tolerable, katulad ng gusto niya ikaw lang ang kausap, panay naghihinala, ayaw mo na kasama niya ang ibang tao.

Hmmm… habang binabasa ko ulit ang parteng iyun ng konbersasyon namin, natauhan ako. Tama siya, hindi ko namamalayan na nagiging obsessed na pala ako. Kung gusto ko maging matinong partner balang araw sa sinumang mamahalin ko, dapat nga. Tama siya. DAPAT MATUTO RIN AKO SA MGA ITO. Sigh!

author: slick master
date: 06/10/2012 time: 12:38 PM
© 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment