Wednesday, 5 February 2014

Sorry?!

2/5/2014 4:35:43 PM

“Sorry,” is all that you can say…

Alam ko, tunog Tracy Chapman o Boyzone yan. Malamang, eh linya ng kanta nila yan eh.

Pero yan din ang isa sa mga pinakamahirap bigkasin na salita. As in mas malala pa ‘to sa mga nauutal o nabubulol sa mga kataga sa bokabularyo.

Oo nga naman. Pero teka, ano nga bang meron sa salitang “sorry?”

Sorry, o “patawad” (“LOOOOORRD, PATAWAAAADD!”), o “paumanhin” o kung anu-anong translation pa yan sa iba’t ibang lengwahe at dayalekto. Ang daling isulat pero mahirap bigkasin, lalo na kung ikaw ay may nagawang mabigat na pagkakasala sa kapwa. Ke nagnakaw ka man ng cellphone ng kapitbahay mo, o nanloko ka ng babae, o nangursunada ka lang ng isang taong akala mo’y umaasta nang siga sa harapan mo.

Pero bakit nga ba mahirap sabihin ang salitang “sorry?” Ano bang meron sa salitang ito na parang ang hirap-hirap naman niyang sabihin?


Aba, itanong mo na lang sa kuya mo. Noong isang taon, naharap tayo sa isang malaking crisis sa ating bansa na humantong pa sa pagkakaroon ng lamat sa uganayang diplomatika natin sa kapitbahay natin na kung tawagin ay “Hong Kong.”

Marami kasi sa kanilang kababayan ang nasawi sa isang hostage taking incident na pinasinayaan ng isang pulis na nagngangalang Rolando Mendoza. Nauwi sa madugong patayan ang isang mauling gabi na punong-puno na yata ng lagim dala ng mga blow-by-blow account ng mga live coverage sa isyung ito.

Kaya nagngitngit sa galit ang maraming taga-HK. Apektado tuloy ang mga kababayan natin. Pati ang football match, pinutakte. Kahit olats sila sa Azkals, di natinag ang mga mapag-diskriminang salita. Talaga naman…
Mag-sorry na raw kasi tayo. Lalo na si PNoy. Bakit kanyo?

Command responsibility eh.

Eh kaso, ayaw ng kuya mo. Paano ba yan?

Kahit si Erap gusto nang humingi ng paumanhin. Pero teka, di naman siya ang may-sala sa mga nangyari eh.
Eh kung ganun, sino ang dapat humingi ng “sorry?”

Yung mga pulis ba na pumalpak sa operasyon nila? Kasama yung mga taga-SWAT dahil “Sorry, Wala Akong Training?”

Yung mga taga-media ba dahil sa literal na “blow-by-blow account na ginawa nila sa pag-civer? At sa sobrang blow-by-blow coverage nito ay tila nabugbog na ang kapulisan sa pagkakakita ng kapalpakan nila? At sa sobrang blow-by-blow na rin ba ay nabugbog na ang mata ng mga manunood kakatutok dun?

Si Mayor Fred Lim ba ang dapat humingi ng patawad sa Hong Kong?

O yung kuya ni Rolando? Na nagpasimuno ng isang malaking komosyon? Kaso, may magagwa pa ba tayo dun?

O dapat talaga si Mr. Presdient?

Eh ayaw nga ni PNoy na mag-sorry eh. Mataas ba ang kanyang ihi? Ewan.

Tama na nga ang sisihan. Pero mag-sorry na ang dapat mag-sorry dyan. Naapektuhan tuoy ang visa ng mga parehong mamayan.

At di ito usapin kung sinong talo. Usapang diplomatika at diplomasya to. Para naming kayong mga gago nyan eh.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment