Sunday, 2 February 2014

The Rise Of The News Channels

8/3/2013 12:05:34 PM

Kung may downside man ang kasalukuyang kalakaran ng media sa Pilipinas, meron din naman itong upside. – yan ay ang pagsulputan ng mga local news channel sa free TV.

Dati kasi, sa cable ka lang makakakita nito. Kung Sky Cable subscriber ka, malamang, alam mo  na ang ABS-CBN News Channel at DZMM Teleradyo ay ang counterpart ng BBC, CNN, o ultimo ang Blomberg. Sa ibang cable companies ay may sariling atin na channel na pambalitaan din – ang RH TV.

Pero dito sa free TV subscribers tulad ng inyong lingkod, hindi lang isa kundi 3 pa ang mga ‘to. At ang dalawa sa kanila ay unang sumulpot nitong Pebrero 2011. naalala ko pa ‘to nun dahil pag wala akong pasok sa eskwelahan nun, nakatambay lang ako sa bahay at ito ang madalas na tinatangkilik ko.


Halos nasa kalagitnaan na ng February 2011 ay umere sa Channel 11 ang GMA News TV. May dating pangalan na Q or QTV ang channel onse, na pagmamay-ari ng ZOE Broadcasting corp. at GMA Network. Dito mo mapapanood ang ilan sa mga dokumentaryo ng GMA News kung sakali na namiss mo silang panoorin sa Siyete. Alternately, may newscast rin sila dito tulad ng News To Go (9am), Balitanghali (11:30am), at ang State OF The Nation (9pm).

Maliban sa news programming ay minsan nagpapalabas nga lang sila ng mga pelikula. At dito rin ang naging home network ng huling Shkaye’s V-League conference. At sa mga oras ng hatinggabi naman ay umeere ang programa ng ZOE Broadcasting at pati na rin ang 700 Club Asia.

From 11, move naman tayo sa 41. Yup, ang dating channel ng MTV sa Pilipinas. Well, ang network na nagmamay-ari ng MTV Philippines (o MTV Pilipinas) ay binili rin ng Mediaquest, ang grupo na may-ari rin ng TV5. Pati na rin ang radio counterpart nito na nasa 92.3 MHz, ay na-acquire din ni MVP at trinansform sa kauna-unahang news station sa FM radio.

Halos 3 buwan matapos maging News FM ang dial ng 92.3 (na may dating pangalan na Joey at U92), at magilang-ngilang linggong test broadcast nito sa TV ay umarangkada na ang maaksyong programa sa channel 41. Una ngang pumasada sa Aksyon TV nun ang TV simulcast ng programang Andar Ng Mga Balita ni Martin Andanar sa alas-kwatro ng umaga ng Pebrero 21, 2011).

Nagkaroon din ng TV newscast version ang naturang programas a oras ng alas-6:30 ng gabi (pagkatapos ng Aksyon). Ito ang nagsisilbing flagship program ng naturang news channel. At ang counterpart ng Andar twing weekend ay ang Balitang 60.

Pero kung sa onse ay dokumentaro ang madalas na laman ng kanilang programming, dito naman ay ang mga simulcast ng radio programs at talk shows. Umeere rin ang kanilang top-of-the-hour news update program na Aksyon Breaking sa 16 beses kada araw twing Lunes hanggang Biyernes (at 12 beses naman twing Sabado at Linggo).

At from 41 ay nagreformat ang 21. ang dating Talk TV ay naging Solar News Channel. Pero ang SNC ay ino-occupy ang channel na SBN 21, at ang mga programa ng SNC mula 12 midnight hanggang 6 am ay nasa cable na dahil sign-off na ang 21 sa Free TV sa ganung oras.

(update: Ang SNC ay lumipat sa RPN 9 simula noong December 1, at nakipagpalitan sa ETC chgannel na nadesignate na sa Channel na dating inookupa ng SNC)

At kung ang wika sa mga naunang channel ay Filipino, sa Solar News Channel naman ay Ingles. Nagtatampok naman ito ng mga foreign features at talk shows tulad ng Anderson. At yung isa sa mga flagship ng Solar Sports ay simulcast din dito – ang Solar Sports Desk.

Umuusbong na nga ang Solar News dahil dito mapapanood ang ilang mga batikang perosnalidad na mula sa ibang mga TV network.

Ano ang kagandahan sa mga news channel na ito? At least balance ang buhay ng TV programming. May mga palatuntunan na magbibigay ng kaalaman at kamalayan ukol sa mga pangyayari sa paligid.

At least, mas okay pang tangkilikin ang mga ‘to e.


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment