1/27/2014 9:13:24 AM
Pasensya na kung inabot ako ng siyam-siyam sa paggagawa ng mga bagong posts ha? Dpaat nga bago matapos ang 2013 ay naisagawa ko na ang artikulong ito. Kaya lang dahil sa maraming constraints na pinagdaanan ng inyong lingkod sa nakalipas na halos isang buwan, medyo naparalisa ako dun ah.
Anyway, tara na’t 2014 na at bagong taon na – 27 days na nga ang nakalipas eh – kaya bago-bago din ng mga habit pag may time.
Okay so 2014 na pala, ano? Eh ano ngayon? Maraming bagay na naman ang painguradong mangyayari sa ngayon. Mula kontrobersiya hanggang kalamidad hanggang sa mga parangal at kung anu-anog good news at bad news.
2014 na! Eh ano ngayon? Panibagong taon. Panibagong kalendaryo. Plus 1 na naman. In short: tatanda na naman tayo sa ayaw o sa gusto natin. Ayos, di ba? Wag ka nang kumontra o magdrama, ganun naman talaga ang buhay at panahon eh. Ika nga ni Ramon Bautista “forward ang direksyon ng buhay.” At wala tayong time machine para makontra ang argumentong ito.
2014 na! Eh ano ngayon? Mauulit ba ang ilang mga bagay na naganap sa atin noong nakalipas na taon? OO. May kasabihan, “History repeats himself,” at dahil likas na rin sa atin ang pagiging pasaway, huwag ka na rin magtaka kung bakit hahaba pa ang telenovela ng pork barrel scam, ang imbestigasyon sa bagyong Yolanda, at ultimo ang awayan ng magkakapatid na Barretto. Alam kong nakakasawa na ang mga ito, lalo na yung pangatlo. Pero ganun talaga eh. Baka nga sa 2016 ay maulit na naman ang mga bagay na naranasan natin noong 2013 at iba pang mga eleksyon. Huwag naman sana.
2014 na! So ano na? Iikot pa rin naman ang mundo at anuman ang sinasabi nilang “end of the world” ay isang malaking kalokohan. 2012 pa nga yan dapat mangyayari, di ba? O don’t tell me di ka pa rin nakamove-on? Buti nga ala nang mga ganyang ugong-ugong at sabi-sabing balita eh.
Ito lang yan: tigilan na ang mga bagay nay an at mabuti pang gumawa na lang tayo ng makabuluhang bagay sa mundo habang nabubuhay pa tayo. Kung sa relihiyosong perspektibo pa ‘to (or actually, kahit hindi rin as long as naniniwala ka sa kanya sa Itaas), mabuti pa ay magpasasalamat ka sa kanya sa kada arawa na nabubuhay ka. Dahil kung naranasan mo na ang “ pinakakatapusan” sa mundong ibabaw, bakit buhay ka pa rin?
2014 na! Eh ano ngayon? Magbago ka na! Ika nga ng kantang ‘Ang Pasko ay sumapit,’ ang pinakasikat na Tagalog Christmas Carol sa ating bansa, “bagong taon ay magbagong buhay nang lumigaya ang ating bayan.” Pero teka, sigurado bang liligaya ang buhay natin pag nangyari yun?
‘de. Sa totoo lang, mas okay na magbago rin tayo ng mga gawi sa ating kanya-kanyang buhay. Walang masama dun. Hindi naman pwedeng habangbuhay ay masatuck na lang tyao o magiging “stagnant.” At hindi sapat ang tinatawag na “new year’s resolution.” Ang iba nga dyan sinusulat ang mga ganyan sa klase, pero pustahan tayo, bago pa magkalagitnaan ng buwan, nakakalimutan natin ang ganyan. Bumabalik tayo sa dati. Kaya sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa mga new year’s resolution nay an eh. Mas okay pang gumawa ng bucketlist. Or better yet, idaan na lang sa gawa ang salitang “pagbabago.”
So, 2014 na! Eh ano ngayon? Eh di... tuloy-tuloy lang ang buhay. Period!
(pero ang weird no? Naka-exclamation mark ang pinakadulong ounctuation mark sa halip na “.” lang? Ay, actually, ito pala “?”)
Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment